Close

COVID-19 cases in PH, halos 13,000 na

Sponsor ads


Papalo na sa halos 13,000 ang kaso ng COVID-19 sa Pilipinas, matapos maitala ang 224 bagong infections.

Batay sa latest report ng Department of Health, nasa 12,942 na ang kabuoang kaso ng coronavirus infections.

Sa mga bagong kaso, 174 (78%) ay mula sa National Capital Region, 17 (7%) ay mula sa Region 7 o Central Visayas, at 33 (15%) ay mula sa ibat-ibang rehiyon.

Samantala, nasa 114 na mga pasyente ang bagong nakarekober mula sa viral disease, o 2,843 sa kabuoan, habang tanging 6 lang ang mga bagong naitalang COVID-related deaths o 837 sa kabuoan.