Close

COVID-19 cases, umabot sa mahigit 92-million sa buong mundo

Sponsor ads


Pumalo na sa mahigit 92-million ang bilang ng COVID-19 cases sa buong mundo base sa tala ng Johns Hopkins University.

Makikita rin sa datos ng unibersidad na umabot na sa 1.9-million ang death toll habang nasa mahigit 50.8-million na ang recoveries.

Nangunguna sa dami ng COVID-19 cases ang US na nagtala ng mahigit 22.9-million infections.

Pumangalawa sa listahan ang India na may mahigit 10.4-million na kaso.

Nasa ikatlong pwesto naman ang Brazil na nagtala ng mahigit 8.1-million na COVID-19 cases.