Close

COMELEC, pinatitigil ang proclamation ng 1 kapitan

Sponsor ads


KORONADAL CITY - Namimiligrong hindi maka-upod ang bagong halal na barangay chairman ng Barangay Sta. Cruz, Koronadal City matapos pina-sususpende ng Commission on Election (COMELEC) Second Division ang proclamation nito.

Sa katatapos lamang na Barangay at SK Election, nanalong barangay kapitan ng Sta. Cruz si Julius Bignayan na dati ding kapitan ng barangay.

Taong 2015 nang dinismiss ito ng Ombudsman-Mindanao matapos napatunayang guilty sa kasong falsification of public documents.

May kaugnayan umano ito sa pag-palsipika ni Bignayan sa minutes ng Barangay Development Council (BDC) meeting noong Abril 2014.

Kasamang sinipa sa pwesto ni Bignayan noon ang Barangay Secretary na si Juvie Bocol matapos napatunayang guilty sa mga kasong grave misconduct, serious dishonesty at conduct prejudicial to the best interest of the service.

Ngunit dalawang araw matapos ang eleksyon kung saan ito nananalo, nagpalabas ng kautusan ang Comelec Second Division na nagsususpendi sa kanyang proclamation.

Sakali umanong na-proklama na, pinawawalang-bisa din ng Comelec ang epekto ng nasabing proklamasyon.