Close

COA, papagpaliwanagin sa 75k thanksgiving sa PCSO xmas party

Sponsor ads


Ipapatawag ng House Committee on Good Government and Public Accountability ang Commission on Audit sa susunod nitong pagdinig kaugnay sa umano'y magarbong Christmas Party ng Philippine Charity Sweepstakes Office.

Ayon kay Committee Chairman at Surigao Del Sur Representative Johnny Pimentel, aalamin nila mula sa COA ang liquidation ng ginastos na pondo ng PCSO para sa party na ginanap sa EDSA Shangri-La.

Malinaw kasi aniya na nilabag ng ahensya ang Memorandum Circular 92-382 ng COA kung saan ang mga pinapayagan lamang na i-cash advance ay ang pasuweldo, honorarium at allowances.

Bukod pa rito, pagpapaliwanagin rin ni Pimentel ang COA kung paano na-liquidate ang 75,000 pesos na gastos para sa thanksgiving mass at ang 16,000 pesos na ibinigay sa pari na ipinagbabawal umano.