Close

CJ Ramos, nakalaya na

Sponsor ads


Matapos ang siyam na araw na pagkakakulong ay nakapaglagak kaagad ng pyansa ang dating child star na si CJ Ramos na naging dahilan upang pansamantala itong makalaya.

Kinumpirma ito kagabi ng half-brother ni CJ na si Sherwin Ordoñez.

Base sa mga naunang ulat ay pinayagan si Ramos na magpyansa ng P200,000 dahil 0.7-grams lang ang hinihinalang shabu na nakumpiska mula sa kanya.

Pero sinabi ni Sherwin na pinaboran ng korte ang kanilang apela na mabawasan ang halaga ng piyansa.

Matatandaan na nahuli si CJ sa buy-bust operation na ikinasa ng pulisya sa Tandang Sora, Quezon City noong July 31.