Close

CHR, oobserbahan ang SONA ni PRRD

Sponsor ads


Maaaring mapabilang ang Commission on Human Rights sa mga mag-oobserba sa ikatlong State of the Nation Address ni Pangulong Rodrigo Duterte sa July 23.

Ito ay matapos imbitahan ng Philippine National Police ang CHR sa naturang kaganapan para umano matiyak na hindi maaabuso ang karapatan ng mga ralyistang magsasagawa ng protesta.

Ayon kay National Capital Region Police Office director Chief Supt. Guillermo Eleazar, isasama ng PNP ang 15 kinatawan ng CHR para sa sub-task groups ng pambansang kapulisan.

Ngunit aniya, kung hindi man kakayanin ng CHR ang 15 kinatawan ay sapat na ang kahit isa lamang na tututok sa command center.

Maging si Eleazar naman ay tiniyak na ipatutupad nila ang maximum tolerance.

Mababatid na anim na libong pulis ang ipapakalat sa ikatlong SONA ng pangulo.