Close

CHED, hindi kinikilala ang honoris causa na iginawad kay Matsunaga

Sponsor ads


Pinagmalaki ng Brazilian-Japanese model-actor Daniel Matsunaga sa social media ang natanggap niya na Doctorate Degree in Humanity in Social Work mula sa paaralan na Bretheren Evangelical School of Theology (BEST) sa Gapan, Nueva Ecija.

Sa Instagram page ni Matsunaga ay makikita ang mensahe niya ng pasasalamat sa Diyos at sa pamilya niya na nagtiwala sa kanya at hindi siya iniwanan sa kahit ano pang sitwasyon ang kanilang kinaharap.

Sa kasamaang palad, inalmahan ng Commission on Higher Education (CHED) ang ginawang paggawad ng BEST ng honorary degree kay Matsunaga.

Wala kasi ang BEST sa listahan ng CHED ng Higher Education Institutions (HEIs) sa bansa.

Sa inilabas na pahayag ng CHED na may lagda ni Officer-in-Charge at spokesperson J. Prospero de Vera III, sinabi nito na hindi nag-apply ang BEST para magkaroon ng awtoridad na makapag-operate.

Giit ng CHED, ang ginawang pag-award ng BEST ng honoris causa sa mga indibidwal ay labag sa policies and guidelines na itinatakda sa ilalim ng CHED Memorandum Order (CMO) No. 19, series of 2014.

Nakasaad sa CMO na ang mga HEI lamang na nage-exist sa loob ng 25 taon at may kilalang academic reputation, institutional values at mission ang maaring mag-confer ng honrary doctorate degrees.