Close

CGMA, minaliit lang ang pagbaba ng approval rating sa Pulse Asia

Sponsor ads


Minaliit ni House Speaker Gloria Macapagal-Arroyo ang mababang approval at trust ratings na naitala niya sa pinakabagong Pulse Asia survey.

Sa panayam kay Arroyo sa Sasmuan, Pampanga, sinabi nitong hindi na bago ang ganoong trust ratings para sa kanya.

Kahit noong pangulo pa lang siya ng bansa ay nakatatanggap na siya ng mababang performance score kaya mas pinipili umano niyang ituon ang atensyon sa pagtatrabaho.

Sa naturang survey ay nakakuha si Arroyo ng 27 percent approval rating na pinakamababa sa apat na pinakamataas na opisyal ng bansa.

21 percent naman ang nakuha niyang trust ratings pero sa kabila nito ay nakapagtala ang House of Representatives ng 66 at 64 percent na approval at trust ratings.