Close

CGMA, planong gawing nat'l council chair ng PDP-Laban

Sponsor ads


Inihayag ng leader ng PDP-LABAN faction na si Rogelio Garcia na maaaring maging national council chairperson ng partido si House Speaker Gloria Macapagal-Arroyo.

Ayon kay Garcia, pinag-iisipan nilang ialok ang posisyon kay Arroyo sakaling manatili ito bilang miyembro ng PDP-LABAN.

Ang National Council aniya ang pinakamataas na policy-making body ng ruling party na nagtatakda ng agenda pati na ang direksyong tatahakin.

Kaugnay nito, ibinunyag ni Garcia na humiling na sila ng courtesy call sa tanggapan ni Arroyo sa Kamara ngunit hindi pa siya sumasagot.

Nilinaw rin niya na magkaiba ang pagiging national chairman ni Pangulong Rodrigo Duterte sa posisyong inaalok ng kanilang grupo kay Arroyo.

Mababatid na noong Hulyo 27 ay nagkaroon ng sariling assembly ang faction nina Garcia para patalsikin si Senador Koko Pimentel bilang party president at si dating House Speaker Pantaleon Alvarez bilang secretary general.