Close

CDO nagtala ng karagdagang 17 kaso ng COVID-19

Sponsor ads


CAGAYAN DE ORO - Naitala sa lungsod ng Cagayan de Oro ang karagdagang 17 na bagong kaso sa Coronavirus Disease 2019 sa loob ng isang araw.

Kabilang sa mga naitalang bagong kaso ang sampung Local Index Case, apat na positive closed contacts, dalawang Authorized Person Outside of Residence at isang fatality sa virus.

Dahil dito, umakyat na sa 2, 133 ang total cumulative cases sa COVID-19 sa lungsod at 565 nito ang nananatiling aktibong kaso sa COVID-19.

Kinabibilangan ang active cases ng 541 na kaso na nasa mga isolation facility at mga pribadong ospital habang 24 ang admitted sa Northern Mindanao Medical Center.

Aabot naman sa dalawa ang fatality na naitala sa lungsod dahilan upang umakyat na sa 91 ang total deaths sa COVID-19 na nagresulta sa 4.2 percent na fatality rate.

Ngunit, maliban dito, naitala rin ang karagdagang 25 na recoveries sa naturang sakit dahilan upang umakyat na sa 1, 477 ang total recoveries sa lungsod na nagresulta naman sa 69.42 percent na recovery rate. (BNFM CDO)