Close

CCTV footage ng suspek sa pagkawala ng Saudi journalist, inilabas

Sponsor ads


Inilabas na ng Turkish media outlets ang CCTV footage na nagpapakita ng ebidensya sa pagkawala ng Saudi journalist na si Jamal Khashoggi.

Ito ay matapos ang paniniwala ng Turkish authorities na pinatay ang mamamahayag sa loob ng konsulado ng Saudi sa Istanbul nang di na ito lumabas ng consulate matapos na magsumite ng papeles noong October 2.

Makikita sa nasabing video na mayroong mga hinihinalang Saudi intelligence officers na pumasok at umalis ng Turkey nang dumadaan sa Istanbul airport.

Sa video rin makikita na mayroong mga sasakyan na nagtungo sa consulate kabilang ang itim na mga van.

Makikita ang isang grupo ng kalalakihan na pumasok sa Turkey via Istanbul airport, nag-check in sa hotels at kalauna'y umalis ng bansa.

Tinitignan ngayon ng Turkish investigators ang dalawang Saudi Gulfstream jets na nag-land sa airport noong October 2.

Kaugnay nito, 150 security cameras umano ang sinusuri ngayon ng mga pulis bilang parte ng imbestigasyon.