Close

CAB walang planong pagbayarin ng danyos ang Cebu Pac

Sponsor ads


Walang plano ang Civil Aeronautics Board o CAB na pagbayarin ng danyos ang Cebu Pacific kaugnay sa nangyaring kanselasyon ng mga byahe nito mula April 28 hanggang May 10.

Ayon sa Department of Transportation (DOTr), ito ay dahil hindi naman pinabayaan ng Cebu Pac ang kanilang mga pasahero.

Nasunod rin ng airline company ang Air Passenger Bill of Rights.

Ngunit, inatasan ng CAB ang airline company na magsumite ng plano para sa pagsasaayos ng kanilang operasyon upang mabawasan ang abala sa mga pasahero sa loob ng tatlumpung araw.

Tiniyak naman ni DOTr Secretary Arthur Tugade na susundin ito ng Cebu Pacific.

Mababatid na higit 100 one-way domestic flights ang nakansela ng Cebu Pacific kung saan libu-libong pasahero ang naapektuhan.