Close

Butler balik practice na sa Timberwolves

Sponsor ads


Nagbalik na sa team practice ng Minnesota Timberwolves si NBA All-star Jimmy Butler matapos mapabalitang hiniling nito sa pamunuan ng koponan na mai-trade sa ibang team.

Subalit ayon sa source tahasang ipinakita ni Butler ang kanyang disgusto sa kanyang team sa isinagawang practice session.

Batay sa report mula kay Adrian Wojnarowski ng ESPN, hinamon umano nito ang kanyang team mates, coaches at maging si GM Scott Layden.

Sinabi umano ng 29-year old player na hindi mananalo ang Timberwolves kung wala siya.

Magugunitang binuhat ng former 30th overall pick ang batang Timberwolves para makuha ang 47-35 season at makapasok NBA playoffs na tumapos sa 14-year drought para sa franchise pero tinalo ng top-seeded Houston Rockets sa first round via 4-1 recrod.

Samantala nagpahayag naman ang Miami Heat na interesado pa rin sila kay Butler subalit pinaplantsa pa ang nilalaman ng kanilang deal.