Close

Bus driver, pinagmaneho ang isang unggoy; Driver, suspendido

Sponsor ads


Sinuspinde ang isang bus driver sa India matapos nitong hayaan ang isang unggoy na pagalawin ang manibela habang bumabyahe.

Sa nag-viral na video sa social media, makikita ang driver na isa lamang ang hawak na kamay sa steering wheel habang nakatungtong ang isang langur monkey sa mismong manibela at pinapagalaw ang sasakyan habang binabagtas ang daanan sa Karnataka, Bangalore.

Sinabi ng Karnataka State Road Transport Corp. na sinuspinde na ang driver habang iniimbestigahan ng mga opisyal ang insidente.

Ayon sa ilang opisyal, alaga ng isang pasahero ng bus ang nasabing unggoy.