Close

Burial protocol sa mga nasawi sa COVID-19 inilatag ng DOH

Sponsor ads


Inilatag ngayon ng Department of Health ang burial protocol sa mga pasyenteng masasawi dahil sa corona virus disease.

Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III kailangan mayroong personal protective equipment (PPE) ang mga magpoproseso sa mga namatay na COVID-19 patients.

Dagdag pa ng kalihim na dapat mailipat sa mortuary ang bangkay ng pasyenteng positibo sa COVID sa lalong madaling panahon.

Dapat din umano sumunod sa disinfection protocol ang mga ospital at mga punerarya kung saan dinala ang labi ng pasyente.

Maliban dito kailangan umano mai-disposed ang bangkay ng COVID-19 patients sa loob ng labing-dalawang oras lamang.

Mahigpit din ipinagbabawal na paglamayan ang pasyenteng nasawi sa COVID-19 kahit pa agad itong na-cremate.