Close

Burger with diamond ring = romantic, sweet V-day

Sponsor ads


Nag-aalok ang isang restaurant sa Massachusetts ng espesyal na burger na mayroong diamond engagement ring para sa Valentine's day.

Ipinakita ni Pauli's Northend sa Boston ang isang larawan ng Big Boy Burger na nagkakahalaga ng $3,000 na may romantic surprise sa loob ng tinapay.

Ang naturang burger na dapat orderin ng 48 hours in advance ay naglalaman ng 7/8 carat Neil Lane engagement ring mula sa Kay Jewelers.

Ayon kay Pauli magandang regalo ito para sa Valentines Day lalo na ang mga nagbabalak na magpropse para sa kanilang girlfriends.

"Nothing says 'I love you' quite like Boston's best burger topped with a princess cut ring framed by round diamonds on a band of 14k, gold," saad ng restaurant. "For $3,000, safor the flavor of Pauli's Big Boy Burger and simmer in sweet bliss, if they say yes!"