Close

Buhay ng kabataan, gawing 'exciting' at 'memorable' kahit may lockdown - Dingdong

Sponsor ads


Para sa aktor na si Dingdong Dantes, ngayon na ang tamang panahon para gumawa naman tayo ng extra effort upang gawing mas exciting at memorable ang buhay ng mga kabataan ngayong may ipinatutupad na lockdown kung saan ay limitado ang kanilang galaw.

Ayon kay Dantes, imbis na ikumpara ang noon at ngayon ay tungkulin natin na i-recreate ang halaga ng outdoor activities sa buhay ng mga bata kahit pa ay nasa loob lamang ang mga ito ng ating mga bahay.

Sinabi ito ng aktor sa kanyang Instagram post kung saan ay ibinahagi niya ang mga litrato ng kanyang anak na si Sixto na naglilibang sa isang swing kasama ang ina nito na si Marian Rivera.

Ito ang unang pagkakataon na nasaksihan ni Dingdong ang kanyang anak na naglalaro sa swing dahil wala pang 1-year old si Sixto nang magkaroon ng lockdown dahil sa pandemya.

Ayon kay Dingdong, hindi niya mapigilan ang kanyang sarili na idokumento ang unang beses na naglaro sa swing ang kanyang anak mula nang ito ay maisilang.

Mababasa rin sa post ng aktor: “What a joy to see him explore playing in an open space and get his hands dirty and on the ground. Wala pa ring tatalo sa mga old school na laro na makakapag-hubog ng development ng isang bata,”