Close

Bucks nakuha ang Game 1 sa ECF

Sponsor ads


Binuhat ni NBA veteran Brook Lopez ang Milwuakee Bucks para kunin ang Game 1 kontra Toronto Raptors sa Eastern Conference finals 108-100.

Nagtala ng all-around performance si Lopez na may 29 points, 11 rebounds, at 4 blocks.

Tinulungan naman siya ni Giannis Antetokounmpo na nag-ambag ng 24 points , 14 rebounds at 6 assists.

Sa unang tatlong yugto nang laban ay tila kontrolado ng Raptors ang laro subalit humabol ang Bucks sa 4th quarter matapos mag-init si Lopez.

Sa panig ng Toronto kinapos ang 61 combined points nina Kawhi Leonard at Kyle Lowry na halatang ininda ang pagod sa huling bahagi ng game dahil sa short rotation ng mga player ni Raptors Coach Nick Nurse.