Close

British gov't, naglabas ng Brexit advice matapos ang contempt vote

Sponsor ads


Nag-isyu ng legal advice ang gobyerno ni British Prime Minister Theresa May para sa Brexit deal matapos itong pagbotohang contempt ng Parliament dahil sa di pagbabahagi ng impormasyon.

Ayon sa mga mambabatas, ang di pagbabahagi ni May ng advice ay maglalagay sa Brexit talks sa panganib sa Parliament bago ang December 11 vote kung saan kailangang maglagay ang mga ito ng stamp for approval sa plano ni May.

Bumoto silang 311-293 para ihold ito in contempt.

Ito ang kauna-unahang nangyari sa kasaysayan ng British Parliament na i-contempt ang gobyerno.

Sa inilabas na legal advice, nagbabala si May na maaaring ma-trap ang Britain sa protracted at paulit-ulit na rounds ng negosasyon sa mga susunod na taon tungkol sa terms ng Northern Ireland backstop.

Matapos i-review ang legal advice ng attorney general, obvious umanong kailangan itong ilagay sa public domain.

Dahil sa rami ng advice, ipinapakita lamang ang central weakness sa government deal.