Close

British comedian, patay matapos atakehin habang nagpi-perform

Sponsor ads


Ikinagulat ng marami ang biglang pagpanaw ng veteran British comedian na si Ian Cognito makaraang atakehin sa puso habang nagpi-perform sa Atic bar sa Bicester.

Mabilis namang nakaresponde ang mga parametics sa lugar pero idineklarang patay na si Cognito sa mismong venue.

Ayon sa report, nagpi-perform ang komedyanteng nasa kanyang 60's nang makaramdam ito ng panghihina at napaupo na inakala ng mga nanonood na bahagi pa ng kanyang performance.

Pero nagsipaglapitan ang mga kasama nito sa stage nang mapansin na ilang minuto na itong nanghihina at na-realized na hindi na bahagi ng kanyang pagpapatawa ang nangyayari sa stage.

Dumagsa naman ang pakikiramay sa naiwang pamilya ni Cognito sa social media.