Close

British PM May, na-boo sa pagbisita sa Grenfell victims

Napagbuntunan ng init ng ulo ng mga kaanak ng mga namatay sa Grenfell tower si British Prime Minister Theresa May sa pagbisita nito sa refuge center sa St. Clements church.

Dahil sa protesta at init ng ulo kung saan na-boo pa si May ay napilitan itong lumabas sa ibang pintuan ng simbahan upang makaiwas sa mga kamag-anak na naghihintay sa kanya.

Maliban dito, sinugod din ng mga protesters ang Kensington at Chelsea Town hall kung saan isinigaw ng mga ito na dapat nang umalis sa puwesto ang Prime Minister at ang katarungan para sa mga biktima ng Grenfell fire.

Una dito ay inanunsyo na ng British government na naglaan na sila ng $6.4 million na pondo para sa mga biktima ng sunog kasabay ng pangakong pabahay sa mga nawalan ng tahanan sa loob ng 3 linggo.