Close

Breezy King? Burger King inalok ng prom ang Wendy's

Sponsor ads


On the way to forever na nga ang dalawa sa pinakamalalaking fast food chains matapos ayain ng Burger King ang Wendy’s sa prom.

Mismong mga empleyado ng Burger King ang siyang nag-ayos ng signage na nagsabing: “@Wendys, Prom?” at in-upload ang litrato nito sa Twitter kung saan agad na tumugon ang Wendy’s.

Sagot ng Wendy’s, “OK, but don’t get handsy and we have to be home by 10.”

Agad namang ikinatuwa ng mga twitter users ang naging palitan ng mensahe ng dalawang kainan.

Samanatala, nanghihinayang naman na ipinarating ng official account ng Moon Pie snacks na nag-tweet na, “I knew I should’ve asked sooner.”