Close

Boxing legend Mayweather, babalik sa ring para sa Feb 2021 Tokyo bout

Sponsor ads


Magbabalik sa ring ang boxing legend na si Floyd Mayweather para sa isang laban sa Tokyo sa dating na February 2021.

Sa gitna nito, hindi pa naman malinaw kung sinung welterweight star ang makakalaban ni Mayweather at sa kung anung kondisyon.

Una nang nagbigay ng clue ang retiradong dating kampeon kaugnay sa naturang laban, at sinundan ng 2018 "exhibition" match laban kay Japanese kickboxer.

Sa press release, sinabi dito na ang laban ay magiging bahagi sa event na tinaguriang "Mega 2021", na hosted sa Tokyo Dome sa Japanese capital da darating na February 28.

Matatandaan na nagretiro si Mayweather, tatlong taon na ang nakakaraan, at bagama't una na nitong inanunsyo ang lalabas siya mula sa retirement sa 2020 ay hindi parin ito nakikita sa aksyon ngayong taon.

Samantala, hindi naman bago para sa legend sa boxing world na mayroong unbeaten 50-0 record, ang Japan dahil nakalaban na rin naman nito sa exhibition match ang MMA star Tenshin Nasukawa noong December 2018 -- ang huling pagkakataon na lumabas siya sa retirement para sa big payday.