Close

Botohan para sa susunod na Madagascar president, umarangkada na

Sponsor ads


Umarangkada na ang botohan sa Madagascar para sa kanilang susunod na presidente.

Ayon sa ulat, tatlong dosenang kandidato sa pagkapangulo ang nasa balota.

Kabilang dito ang apat na dating prime ministers, tatlong dating pangulo, isang pastor, at isang rock star.

Ang mga front runners sa halalan ay sina incumbent Hery Rajaonarimampianina at dating mga pangulong sina Marc Ravalomanana at Andry Rajoelina.

Sinabi naman ng ilang political expert na dahil sa dami ng kandidato sa isla na inoukupa ng 35 milyong katao, mahihirapan ang mga mananalo na pagsama-samahin ang interes ng mayorya ng mga botante.

Mababatid na ang Madagascar ang ika-apat na pinakamalaking isla sa buong mundo na matatagpuan sa east coast ng Africa sa Indian Ocean.