Close

Botante sa Gensan, South Cotabato, higit 1-M

Sponsor ads


KORONADAL CITY - Umaabot sa 1,077,376 ang bilang ng mga eligible voters sa General Santos City at South Cotabato na maaring maka-boto sa darating na Barangay at SK Election sa Mayo.

Ayon ito sa listahan ng Commission on Election - South Cotabato na may jurisdiction sa dalawang nabanggit na lugar.

Paalala ni Atty. Jay Gerada, Provincial Election Officer ng South Cotabato na yaong nasa edad 18 pataas na lamang na registered voters ang maaring bomoto sa Barangay Election habang 15-30-anyos naman para sa SK Election.

Sa South Cotabato, Koronadal City ang may pinakamaraming botante na umaabot sa 274, 619 at sinusundan ito ng Polomolok na nasa 91, 994. (Girlie Narciso-Solis)