Close

Bossing proud Daddy kay Mayor Vico

Sponsor ads


Proud Daddy umano si Bossing Vic Sotto sa anak niyang si Pasig City Mayor Vico Sotto dahil sa ginagawa nito sa kanyang nasasakupan.

Subalit iginiit ni Bossing, na hindi lang naman ang anak niya ang gumagawa ng trabaho kundi pati yung ibang mga lider ng LGU.

“Pero sabi ko nga, hindi lang naman siya, pati yung ibang mga ating namumuno sa bansa," saad pa ng host comedian.

Dagdag pa ni Vic na kailangan talaga ngayon magtulong-tulong upang malagpasan ang nangyayaring crisis sa bansa bunsod ng COVID-19 pandemic.

“Pag sama-sama, may bayanihan, kakayanin natin ‘to.” dagdag pa ni Bossing.