Close

Bonus sa gold medalists, dinagdagan ni Duterte

Sponsor ads


Iniabot na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang P2 milyon reward para sa medalists sa Asian Games.

Mula sa P1milyon bonus na inanunsiyo ng Philippine Sports Commission, ay dinadagdagan ito ng pangulo ng karagdagang isang milyon.

Maliban naman sa bigay ng pangulo ay nakatanggap rin ang mga ito ng P2milyon alinsunod sa batas.

Dahil rito ay nakatanggap ang mga atleta ng nasa P4 milyon.

Kabilang sa mga gold medalists ay sina Hidilyn Diaz, Bianca Pagdanganan, Margielyn Didal, Yuka Saso,at Lois Kaye Go.

Ibinigay ang naturang bonus sa seremonya ng release of incentives na isinagawa sa Malakanyang.