Close

Bone drug, epektibo rin vs baldness?

Sponsor ads


Isa ka rin ba sa nangangambang tuluyang makalbo dahil sa pagnipis at paglalagas ng buhok? Baka eto na ang kasagutang hinahanap mo!

Sa ngayon ay mayroon lang tatlong medical options para magamot ang pagkakalbo: ang minoxidil (Rogaine), finasteride (Propecia, Proscar), at hair transplant.

Ang finasteride ay effective lamang sa mga lalaki at tulad ng minoxidil, meron itong kaukulang side effects at hindi naman lagi nagbibigay ng mainam na hair regrowth results.

Ang hair transplant naman, bagamat isang permanent solution, ay masyado namang mahal at ang inaasahang resulta ay umaabot pa ng ilang buwan.

Samantala, ikinagulat naman ng mga researchers sa University of Manchester, England na ang panggamot sana sa humihina nang mga buto ay nakatutulong pala sa muling pagtubo ng buhok.

Matapos na ibigay ang drug na WAY-316606 sa mga pasyenteng may osteoporosis, napansin sa mga ito ang agarang increase of hair growth sa loob lamang ng dalawang araw.

Napagalaman ng study leader ng ginawang research na si Nathan Hawkshaw na ang nabanggit na drug ay nakakabawas ng protein na SFRP1 na siyang pumipigil sa pagdevelop ng tissues maski ng hair follicles.

Ayon kay Hawkshaw, sila’y magsasagawa pa ng clinical trials para alamin ang safety at effectiveness nito at kung ito na nga ba ang hihintay na kasagutan sa pagkakalbo at pagnipis ng buhok.