Close

Bolts kinuryente ang Phoenix

Sponsor ads


Kinuryente ng Meralco Bolts ang Phoenix FuelMasters sa score na 90-74 sa nagpapatuloy na PBA Governors’ Cup quarterfinals playoff.

Dahil dito, isang panalo na lamang ng Bolts at makakapasok na sila sa semifinals.

Pinangunahan ni Allen Durham ang Bolts na kumopo ng 26 points, 16 rebounds, at tatlong blocks.

Habang nag-ambag naman ng 16 points si Chris Newsome at 14 points at anim na assists ang ipinakawala ni Baser Amer.

Ayon kay Bolts coach Norman Black, matagumpay ang kanilang isinasagawang depensa sa laro.

Gayunman, inaasahan nilang di magpapahuli ang Phoenix at matinding laban ang ibibigay nito sa Biyernes para sa sudden-death match.




Image from:PBA Media Bureau