Close

Bolton sinibak sa pwesto ni US pres Trump

Sponsor ads


Sinibak ni United States President Donald Trump ang national security adviser nito na si John Bolton.

Agad nagsumite ng resignation letter si Bolton matapos sabihan ni Trump na hindi na nito kailangan ang kanyang serbisyo.

Ayon kay Trump papangalanan niya sa susunod na linggo ang papalit kay Bolton.

Isa sa dahilan ni Trump sa pagsibak kay Bolton ay ang desisyon nitong patuluyun ang mga lider ng Taliban sa Camp David.

Nanilbihan so Bolton kay Trump taong 2018 bilang kapalit ni HR McMaster.