Close

Boeing 737 Max aircraft, grounded hanggang May

Sponsor ads


Mananatiling grounded hanggang Mayo ang lahat ng Boeing 737 Max 8 at 9 aircraft matapos ang malagim na pagbagsak ng Ethiopian Airlines noong Linggo.

Ayon sa ulat, hindi maaaring paliparin ang aircraft hanggang wala pang nai-install na software update at isinasagawang testing para rito.

Kung matatandaan, bumagsak ang Ethiopian airlines ilang minuto matapos ang take-off mula Addis Ababa na ikinamatay ng 157 katao.

Ito na ang ikalawang kaso ng pag-crash ng 737 Max sa loob ng anim na buwan.

Sinabi ni US Representative Rick Larsen na tatagal ng ilang linggo bago matapos ang software upgrade at posibleng abutin ng April ang pag-install nito sa aircraft.

Samantala, sinusuri na ng mga imbestigador sa France ang mga black box mula sa aicraft ng Ethiopian Airlines para malaman ang dahilan ng pagbagsak nito.