Close

Blue Ribbon, ipatatawag ang 'Hospital Pass For Sale' whistleblower

Sponsor ads


Pinagaaralan na ng ilang senador na iharap sa Senate Blue Ribbon Committee sa pagdinig bukas ang inmate na nagsumbong hinggil sa report na mayroong umanong ‘Hospital Pass For Sale’.

Ayon kay Sen. Christopher Bong Go, maliban sa GCTA for sale na kontrobersiya sa New Bilibid Prison, ilang preso naman ang nagparating ng pagkabahala sa nangyayaring korapsyon sa mga ibinibigay na hospital access.

Ganunpaman, kailangan aniya munang masigurong handa itong magsalita sa pagdinig.

Iginiit ng senador na kailangang masilip ang modus na ito dahil kahit walang sakit ay nagpapa-confine ang mga high profile na bilanggo para magawa ang kanilang iligal na gawain.

Hindi naman pinangalanan ni Go ang kanyang testigong inmate pero kinumpirma niyang isa itong high-profile.

Bukod dito, nakikipagsabwatan umano sa mga tiwaling bilanggo ang ibang mga doktor at mga hospital staff para sa kanilang pagsasakit-sakitan.
#