Close

Black box recorders mula sa bumagsak na Indonesian jet, nahanap na

Sponsor ads


Nakita na ng mga otoridad ang lokasyon ng dalawang black boxes mula sa bumagsak na Indonesian jet.

Ayon kay Soerjanto Tjahjanto, head ng Indonesia’s transport safety agency, sisimulan na ng mga divers ang paghahanap sa mga ito, at umaasa silang hindi matatagalan ang pagkuha dito.

Ang Boeing 737 passenger plane, ay bumagsak ilang saglit matapos mag-take off sa Jakarta nitong Sabado, lulan ang 62 katao, patungong Pontianak sa West Kalimantan province.

Makalipas ang apat na minuto, naitala ang huling contact sa Sriwijaya Air jet, na may call sign na SJY182 at agad na nawala sa radar.

Sa datos naman mula sa FlightRadar24, naabot umano ng eroplano ang altitude na halos 11,000 feet bago bumulusok sa 250 feet.