Close

Black box recorders mula Ethiopian, iimbestigahan

Sponsor ads


Iimbestigahan ng French Bureau of Enquiry at Analysis for Civil Aviation Safety ang dumating na black box recorders mula sa Ethiopian Airlines flight 302.

Ngunit paglilinaw ng grupo, hindi sila maglalabas ng detalye hinggil rito.

Ang black box ang magsisilbing ebidensya at susi para matukoy kung ano ang tunay na dahilan sa pagbagsak ng Boeing 737 Max 8 na ikinasawi ng higit 100 pasahero nito.

Mababatid na isinuspinde na ang paggamit sa lahat ng 737 Max aircraft models kung saan nasa 50 bansa na ang nagbabawal sa pagpapalipad nito.