Close

Biyahe ng mga sasakyang pandagat sa Pagadian City, sinuspinde na

Sponsor ads


GENERAL SANTOS CITY - Pinatigil muna ng Philippine Coast Guard (PCG) at Maritime Police ang biyahe ng mga barko at maliliit na bangka, matapos inihayag ng Pagasa, na maaaring maapektuhan ng southwest monsoon ang Zamboanga Peninsula, Sulu at Tawi-Tawi, maliban pa sa epekto ng bagyong Ompong bagama't hindi ito direktang tatamaan ng bagyong Ompong.

Ayon kay PCG deputy commander Adonis Marzo, mahigit 100 fishing vessels at boat operators sa Pagadian City at karatig-bayan, ang hindi pinayagang bumiyahe upang makaiwas sa anumang sakuna.

Nagbabala rin ito sa nagmamay-ari ng mga vessels na huwag bumiyahe kung walang permit.

Target umano ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ang zero-casualty, kung saan nararanasan na ang mga pag-ulan mula pa kahapon.

Sinabi naman ni CDRRM-Action Officer Haron Damada Jr. na naka-standby na ang mga rescue equipment, sa city hall complex upang magagamit kaagad sa posibleng forced evacuation, lalo na sa mga coastal areas. Eva Atilla Buhayan Molina #Brigada Pagadian.