Close

Bisyo pa more! Sigarilyo at alak mas delikado sa kalusugan kaysa droga - study

Sponsor ads


Taliwas sa alam ng nakakarami, ayon sa bagong international research: Hindi droga, kundi pag-inom ng alak at paninigarilyo ang may mas matinding epekto sa kalusugan.

Napag-alaman na ang parehong pag-inom ng alak at paninigarilyo ay katumbas ng quarter of a billion disability-adjusted life-years kumpara sa tens of millions lamang na dulot ng ipinagbabawal na gamot.

Ang disability-adjusted-life-years ay ang sukatan ng overall disease burden at panahon o taon na nawawala sa isang tao dahil sa sakit, kapansanan, o maagang kamatayan.

Isinasaad rin ng nasabing pag-aaral na inilabas noong ika-11 ng Mayo sa Journal Addiction, mas mababa ang bilang ng gumagamit ng ilegal na droga na may ratio na isa sa 20 na tao lamang at mas mababang ang bilang ng user ng amphetamines, opioids, at cocaine.

Samantala, ang mga pinakamalalakas na drinkers naman ay nagmumula sa Central, Eastern, at Western Europe na nagtala ng 50.5%, 48%, at 42% bawat isa.

Ang malalakas naman humithit ng tobacco ay mula Eastern Europe 24.2%, Central Europe 23.7%, at Western Europe 21%.

Samantala, ang may pinakamataas na bilang naman ng drug dependence ayon sa co-author ng research na si Robert West ng University College London, ay mula sa United States at sa Canada kung saan ang gumagamit ng marijuana ay 749 cases kada 100,000 tao, opioids na may 650 cases kada 100,000 na tao at cocaine na mayroong 201 cases kada 100,000.

At humahabol rin sa malalang drug dependence ang mga bansang Australia at New Zealand kung saan 491.5 kada 100,000 na tao ang gumagamit ng amphetamine, 694 cases naman kada 100,000 tao sa marijuana, 510 naman kada 100,000 sa opioids, at 160.5 kada 100,000 tao sa cocaine.

Marahil magiging sapat ang kaalaman nito para mapagtanto ng sinuman ang araw o taon na nababawas sa buhay niya lalo pa’t kung ginagawa niya ang tatlong nabanggit na bisyo.