Close

Bishop dela Peña, naging emosyonal sa pagbisita sa Marawi

Sponsor ads


Binisita ni Marawi Bishop Edwin dela Peña ang nawasak na St. Mary's Cathedral sa unang pagkakataon matapos itong pagkutaan ng mga teroristang grupo.

Ayon sa Catholic Bishops Conference of the Philippines, naging emosyonal si Dela Peña nang makita nito ang nawasak na siyudad at cathedral.

Kwento naman ni dela Peña , maraming ala-ala ang naturang cathedral at sa katunayan ay isa sila sa mga bumuo nito.

Umaasa ang obispo na matutulungan silang buuin muli ang cathedral.

Ngunit aniya, hindi ito ang kanyang prayoridad kundi ang pangangailangan ng komunidad.