Close

Binay, pinuna ang 'exessive use of authority' ng BI vs Fox

Sponsor ads


Pinuna ni Sen. Nancy Binay ang aniya'y exessive use of authority na ipinakita ng Bureau of Immigration sa ginawang pag-aresto sa 71-year old Australian missionary na si Sister Patricia Fox.

Ayon kay Binay, imaginary threat o kathang isip lamang ang pinagbasehan ng BI para ikustodiya si Fox dahil malinaw na hindi umano ito maituturing na banta sa seguridad.

Giit ng senador, papaano aniya magiging threat ang isang Australian religious person tulad ng mga Chinese syndicates sa bansa na involved sa droga, sugal at prostitusyon?

Diin pa ni Binay 27 taon nang namumuhay sa bansa si Fox kung saan kilala itong matagal nang nagtatanggol sa mga karapatan ng mga magsasaka at lumad sa Mindanao.

Dahil dito, iminungkahi ng senadora na mas kailangan pagtuunan ng pansin ng BI ay ang mga illegal aliens na nagpapasok ng droga, at sangkot sa human smuggling at child pornography at yung nasa terror list ng AFP.