Close

Binatilyong binaril sa classroom sa Laguna, pumanaw

Sponsor ads


Binawian na ng buhay ang 15-anyos na binatilyo matapos itong barilin sa loob ng silid-aralan nito sa Castor Alviar National High School, sa Barangay Masili, Calamba City, Laguna.

Ang boyfriend ng biktima ang tinuturong salarin sa krimen na si Renan Estrope Valderama, alias Renz Ivan Valderama na tinatayang nasa 30-35 anyos.

Base sa inisyal na imbestigasyon ay meron relasyon ang suspek at ang biktima na si Mark Anthony Miranda.

Ayon kay Calamba City Police Station chief Police Lieutenant Colonel Jacinto Malinao, nagtatrabaho si Valderama bilang security guard sa paaralan, at dati na rin nagkaroon ng kaso ng rape.

Napag-alaman rin na nanirahan umano sa isang bahay sina Miranda at Valderama ngunit dahil sa pang-aabuso ay lumayas ang biktima at nagsampa ng mga kasong sexual abuse at child abuse.

Unang inanunsyo na "brain dead" na ang binatilyo ngunit kalaunan ay idineklara na siyang patay.

Mababatid na nakakulong ang ina ni Miranda sa pasilidad ng Bureau of Jail Management and Penology sa Laguna matapos itong maaresto dahil sa possession of illegal drugs.