Close

Bilibid transfer, 'paghahanda sa drug cases ko' - de5

Sponsor ads


Naniniwala si Senadora Leila de Lima na konektado parin sa kaso niya ang order ni Pangulong Rodrigo Duterte na paglipat ng sampung mga high-profile illegal-drug convicts mula Bilibid papunta sa barracks ng Marines.

Ayon sa Senadora, 'hilarious' ang naging dahilan para ilipat ang mga ito ng detention facility.

Matatandaang kasama si Peter Co, at anim na iba pa, ang tumestigo laban kay de Lima hinggil sa ugnayan nito sa iligal na droga.

Aniya, malaki ang kanyang paniniwala na kaya nagkaroon ng transfer ng mga convicts ay para paghandaan ang testimonya nila laban sa kanya.

Ito umano ay para ma-coach ang mga convicts sa mga pinekeng pahayag; patunay lang na wala nang katapusan ang umano'y kasamaan ng rehimeng Duterte.
#