Close

Bilang ng patay sa mudslide sa California, 18 na

Sponsor ads


Umakyat na sa 18 ang bilang ng patay sa nangyaring mudslide sa Montecito California habang patuloy ang paghahanap ng mga rescuers sa 5 iba pang nawawala.

Sa inisyal na report ay nasa mahigit 43 individual ang hindi agad nahanap matapos ang malakas na ulan na nagdulot ng mudslide at sumira sa ilang bahay.

Agad namang kinumpirma California Department of Forestry and Fire protection spokesman Chris Elms na marami sa mga nasabing bilang ang kumpirmadong ligtas na pero posibleng madagdagan ang bilang ng mga patuloy na pinaghahanap.

Nilinaw ni Elms na tuloy ang pagsisikap ng mga rescuers bagamat hindi pa accessible pa ang lugar dahil sa makapal na putik.

Ayon sa ilang rescuers, umaasa silang marami pa silang maisasalba pero naghahanda naman sila para sa posibleng mas malalang dulot ng mudslide.