Close

Bilang ng namamatay sa London Fire, pumalo na sa 30

Umakyat na sa 30 ang bilang ng mga kumpirmadong namamatay sa naganap na sunog sa Grenfell Tower sa London.

Ayon kay London Police commander Stuart Cundy, mula 17 na casualties ay kaagad itong pumalo sa 30.

Maaari pa rin umano itong madagdagan sapagkat patuloy pa ang paghahanap ng mga bumbero sa mga nawawala na hinihinalang napatay na rin.

Sa kasalukuyan, 65 pa rin ang bilang ng mga missing.

Nag-umpisa na rin ang criminal investigation sa sunog ngunit hindi naman nila tinitignan ang anggulong sinadya ang sunog.

Samantala, inanunsyo naman ng Philippine embassy sa London na nadala na sa ospital ang mga Pilipinong nadamay sa sunog.

Hindi naman kasama dito ang isa pang Pilipinang kinilalang si Ligaya Moore na kasalukuyan ay nawawala pa rin.
#
(Photo by Alastair Gran/AP Photo)