Close

Bilang ng nagpositibo sa COVID-19 sa buong mundo, pumalo na sa halos 10.2-million

Sponsor ads


Pumalo na sa halos 10.2-million ang bilang ng mga nagpositibo sa COVID-19 sa buong mundo base sa tala ng John Hopkins University.

Mula sa nasabing bilang ay naitala ang 502,947 death toll, at mahigit 5.1-million recoveries.

Nangunguna sa dami ng infections ang US na nasa mahigit 2.5-million, kabilang na ang 125,928 death toll at 685,164 recoveries.

Ang Brazil naman na may mahigit 1.3-million infections ang may pinakamarami ngayong recoveries sa buong mundo matapos makaligtas sa sakit ang nasa 746,018 na tao, habang nasa 57,622 na ang nasawi.

Samantala, pangatlo naman sa listahan ng mga bansa na may maraming infections ang Russia na may 640,246 cases at India na may 548,318 cases.