Close

Bilang ng mga maapektuhan ang bagyo, ibinaba sa 4.24M

Sponsor ads


Ibinaba ng National Disaster Risk Reduction Management Council sa 4.24 milyon ang kabuuang bilang ng mga residente na maapektuhan ng Bagyong Ompong.

Mababatid na mas mababa ito kumpara sa naunang naialtang bilang ng ahensya.

Katumbas nito ang nasa 848,000 pamilya sa buong bansa.

Ayon kay NDRRMC Spokesman Edgar Posadas, 822,000 rito ang kabilang sa mahihirap na pamilya.

Karamihan sa mga maapektuhan ng bagyo ay ang Cagayan na may 1,199,320 residente.

Sunod naman rito ang Isabela na may 1,190,602 residente.

Nakataas na rin ang red alert status sa limang rehiyon kabilang na ang Region 1,2,3 at Cordillera Administrative Region at Calabarzon.