Close

Bilang ng kanseladong flights, nasa halos 100 na

Sponsor ads


Kaninang ala-una ng madaling araw ay nasa halos 100 na ang bilang ng mga kanseladong flights.

Ito ang inanunsyo ng Manila International Airport Authority matapos tumama sa kalupaan ng Baggao, Cagayan ang bagyong Ompong.

Sa 95 kanseladong flights ay 30 dito ay mga int'l flights kabilang na ang mga papuntang Guangzho, Beijing, Hong Kong, Macau, Hudong, Xiamen, Osaka, Amsterdam at pabalik ng Manila.

65 naman dito ay local flights kabilang na ang mga papuntang Laoag, Tuguegarao, Cauayan, Cebu, Ilo-Ilo, Bacolod, Tacloban, Butuan, Roxas, Cagayan, Davao, General Santos, Dumaguete, Puerto Princesa, at Basco, Batanes.

Bukod sa 95 canceled flights ay maaga na rin nagsabi ang ilang airline companies kaugnay sa kanselasyon ng 18 byahe sa Linggo kung saan karamihan nito ay papunta sa Hong Kong, Macau at pabalik ng Manila.

Nagpayo naman ang mga awtoridad ang mga pasahero na may canceled flights na huwag nang magtungo sa mga paliparan upang maiwasan ang abala at sa halip ay magpa-rebook o i-refund nalang ang halaga ng ticket.