Close

Bilang ng COVID-19 cases sa buong mundo, nasa mahigit 91.3-million na

Sponsor ads


Pumalo na sa mahigit 91.3-million ang bilang ng COVID-19 cases sa buong mundo base sa tala ng Johns Hopkins University.

Nangunguna sa dami ng COVID-19 cases ang America na nagtala ng mahigit 22.7-million infections.

Pumangalawa naman sa dami ang India na nagrehistro ng mahigit 10.4-million na mga kaso.

Sa Brazil naman ay naitala ang mahigit 8.1-million cases, na ikatlong pinakamarami sa buong mundo.

Samantala, makikita rin sa listahan ng Johns Hopkins na umabot na sa mahigit 1.9-million ang mga nasawi sa COVID-19 habang nasa mahigit 50.5-million naman ang mga gumaling sa sakit.