Close

Bigtime oil price hike, ipapatupad bukas

Kinumpirma ng ilang oil firms ang muling pagtataas ng presyo ng mga produktong petrolyo simula Martes.

Ayon sa Flying V, aakyat sa P1.30 ang kanilang singil sa biodiesel, P0.45 naman sa gasolina at P0.90 naman kada litro ang itataas sa singil sa diesel.

Sa kabilang dako, magtataas din sa presyo ng gasolina ang Phoenix Petroleum Philippines, PTT Philippines at Eastern Petroleum ng P1.30 kada litro sa diesel at P0.45 naman kada litro ang itataas sa gasolina na epektibo simula alas-6:00 ng umaga bukas. (OJT) Carl Michael Quintero