Close

Big time rollback, epektibo na ngayong araw

Sponsor ads


Epektibo na ngayong araw ang big-time rollback sa presyo ng mga produktong petrolyo.

Bunsod ito ng magandang produksyon ng langis sa America.

Kaninang madaling araw ay nauna nang tinapyasan ng kumpanyang Seaoil ang diesel nito ng P1.30 kada litro habang piso naman ang ibinaba sa kada litro ng gasolina at 85-sentimos naman ang mawawala sa presyo ng kerosene.

Sumunod naman kaninang alas-sais ang rollback sa parehong halaga ng mga kumpanyang Eastern Petroleum, Flying V, Pheonix Petroleum, Pilipinas Shell at PTT Philippines.

Mababatid na ito ang unang rollback sa presyo ng langis mula ng pumasok ang taong 2018.