Close

Bible verse, itinapat ng Obispo sa mga bagong banat ng Pangulo

Sponsor ads


Ipinagkipit-balikat ni Caloocan Bishop Pablo Virgilio David ang huling pambabatikos ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga obispo ng Simbahang Katolika.

Sa Facebook post ni David ay ibinahagi niya ang ilang bersikulo sa Bibliya bilang reaksyon sa sinabi ni Duterte na dapat ay mamatay na lamang ang mga obispo.

Kabilang sa mga Bible quote na shinare ni David ay ang Luke 6 verses 27-36 at Mark 13 verses 9-13.

Nakasaad doon ang tungkol sa pagmamahal sa kaaway at paggawa ng mabuti sa mga tao na may ayaw sayo.

Mababasa rin na dapat ay mabigyan ng basbas ang mga tao na minumura ang kapwa at ipagdasal ang mga tao na hindi maganda ang trato sa iba.

Kung maalala ay naging sentro si Bishop David ng pambabatikos ng Pangulo sa Simbahang Katolika.

Samantala, sinabi naman ni David, na nakilala dahil sa kanyang mga puna sa polisiya ng administrasyong Duterte, na matagal nang nahaharap sa persecutions ang mga pari sa 2,000 taon na kasaysayan ng Simbahang Katolika.