Close

Bianca Manalo, Senator Gatchalian, nagdiwang ng kanilang 2nd anniv bilang magkasintahan

Sponsor ads


Ibinahagi ng beauty queen-turned-actress na si Bianca Manalo ang ilan sa mga sweet photos nito kasama ang nobyo na si Senator Sherwin Gatchalian.

Sa post ni Manalo ay mababasa ang caption na "Happy 2nd Anniversary. (heart emoji)"

Makikita sa post na nakayakap si Bianca sa likuran ng senador habang sila ay nasa mala-beach na tanawin.

Pinasalamatan rin ng 2009 Miss Universe Philippines si Gatchalian sa hiwalay na post kung saan ay makikita na hawak niya ang flower arrangement na kanyang natanggap para sa kanilang ikalawang anibersaryo.

Matatandaan na isinapubliko ni Bianca ang kaniyang pakikipagrelasyon sa senador noong October 2019, matapos niyang ibahagi sa kanyang Instagram account ang larawan nilang dalawa na magkasama sa ika-50 kaarawan ni Sorsogon Governor Francis "Chiz" Escudero.

Mula noon ay naging sunod-sunod na ang pagpopost nilang dalawa ng mga litrato nila na magkasama sa magkahiwalay nilang accounts.